RP gymnasts kumuha ng 5 golds

Ipinakita ng RP gymnasts ang kanilang kahandaan para sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games nang mag-bulsa ng limang gintong medalya sa katatapos pa lamang na 1st Rajiv Gandhi International Gymnastics Competition sa Hyderabad, India.

Nag-uwi rin ang anim na gymnasts na sinamahan ng mga coaches na sina Tony Valenzuela at Sonny Ty ng pitong silvers at tatlong bronze medals upang pasikatan ang kanilang mga kalaban.

Nanalasa ang Wo-men’s Artistic Gym-nastics (WAG) team sa gold medals ng ang trio nina Caissa Saguisag, Christa Santos at Cin-tamoni de Guzman ay nagsama ng kani-kani-lang tikas at kakayahan upang isubi ang team gold.

Ang tatlong iba pang ginto ay mula rin sa women’s squad nina De Guzman, na nanguna sa individual all-around event at ang isa pang gold ay mula sa uneven bars at humablot rin si Saguisag ng gold sa vault competition.

Show comments