Emosyon ni Espinas katumbas ang kabiguan ng Dolphins
August 27, 2005 | 12:00am
Ang katumbas ng emosyon ni Gabby Espi-nas ay ang pagkatalo ng nagdedepensang Philip-pine Christian University.
Dalawang freethrows ni Leo Najorda mula sa unsportsmanlike foul ng 6-foot-5 center sa huling 28.3 segundo ang nagre-sulta sa 81-75 tagumpay ng five-time champions San Sebastian Stags sa Dolphins na bumuo sa Final Four ng 81st NCAA mens basketball tourna-ment kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang nasabing three-game winning streak ng San Sebastian ang nagbi-gay sa kanila ng No. 4 slot sa Final Four at 7-4 rekord sa ilalim ng host Letran (11-1), PCU (9-3) at Mapua (8-4).
"Hindi ko masasabing kaya kong dalhin ang San Sebastian sa champion-ship kasi malalakas talaga yung ibang teams," sabi ng 23-anyos na first overall draft pick ng Red Bull na si Najorda.
Sinarhan na rin ng pintuan ng Stags para sa Final Four ang Perpetual Altas (5-8) at St. Benilde Blazers (5-8), bumigo sa talsik na ring San Beda Red Lions sa overtime, 91-86, sa ikalawang laban para sa 3-10 marka ng huli kasunod ang Jose Rizal University Heavy Bombers (2-11).
"After manalo nung San Sebastian, sinabi ko sa team na we still have to play 100 percent be-cause we want to end the tournament on a high note," ani mentor Caloy Garcia sa Blazers.
Isang siko naman ni Espinas sa likod ni Na-jorda ang nagresulta sa kanyang unsportsmanlike foul para sa dalawang freethrows ng 2003 NCAA Most Valuable Player (MVP) awardee sa huling 28.3 segundo ng fourth quarter na umiwan sa Dolphins sa 79-75.
Dalawang charities pa ang ikinonekta ni guard Mark Lindaya na naglayo sa San Sebastian sa PCU sa 81-75 sa nalalabing 21.5 tikada.
Sa high school class, ginitla naman ng Baby Dolphins (5-6) ang Stag-lets (9-2) mula sa 87-81 panalo. (Ulat ni R.Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest