Fujairah World 8-Ball sasargohin uli ni Bata; Bustamante hari sa Joss Tour
August 24, 2005 | 12:00am
Idedepensa ni Efren Bata Reyes ang kanyang korona sa Fujairah World 8-Ball Champion-ship sa Nobyembre 8-14 sa Fujairah Exhibition Center, upang matabunan ang kanyang kabiguan sa katatapos na 2005 Joss Tour Season Finale na idinaos sa New York.
Isa sa magiging mahigpit na karibal ni Reyes ang world number 1 na si Thorsten Hohman ng Germany na isa lamang sa top 20 cue artists na nagkumpirma ng kanilang pagsabak sa nasabing torneo.
Matatandaan na sinargo ni Bata ang unang edisyon ng Fujairah World 8-ball Pool Championship noong nakaraang taon at ito ang nais na duplikahin ng tinaguriang The Magician upang maisubi ang nakatayang $110,000 na premyo.
Bukod sa top 20 na cue artists, magpapasik-laban din sa torneong ito ang ibat ibang profes-sional players sa mundo kasama ang 16 Middle eastern national billiards players at best player sa UAE.
Samantala, buma-ngon si Francisco "Django" Bustamante mula sa tatlong racks na pagkakahuli upang igupo si Dennis Hatch, 13-11 at pagharian ang 2005 Joss Tour Season Final sa Turning Stone Casino sa Verona, New York.
Walang talo ang dating World No. 1 sa tournament kung saan tinalo niya ang kababa-yang si Reyes at two-time world champion Johnny Archer.
Nanggaling si Hatch sa losers bracket upang hamunin si Bustamante at pigilan ang all-Filipino finale.
Ang panalo ay nagka-loob kay Bustamante ng $10,000, ang pinakama-laki niyang panalo sa taong ito habang nag-kasya sa $6,000 runner-up prize si Hatch.
Nagparamdam din ang isa pang Filipino cue artist na si Jose "Amang" Parica na nagtapos na katabla sa fifth at sixth spots para makihati sa $2,100 prize sa dating world champion na si Ralf Souquet ng Germany.
Inaasahang sasabak naman sina Bustamante at Reyes sa October sa Philippine 9-Ball Open kung saan pareho silang seeded sa main draw ng tournament na co-organized ng Solar Sports at Puyat Sports.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended