^

PSN Palaro

Lyceum partner ng PHILSOC

-
Nakipagkasundo ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) kamakailan lamang sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Lyceum of the Philippines, bilang partner sa hosting ng 23rd Southeast Asian Games.

Nilagdaan nina PHIL-SOC Awards Committee chief Tani Gonzales at Lyceum president Atty. Roberto Laurel ang MOA sa simpleng seremonya sa administration office ng eskuwelahan sa Intra-muros, kung saan ang mga estudyante ng Lyceum ang magiging volunteers at award stewards sa 11-nation bien-nial meet.

"We’re proud and happy for Lyceum to become a partner in the country’s bid for a successful SEA Games hosting," ani Gonzales, dating basketball coach.

Sinabi ni Gonzales, pinuno ng committee na mamimigay ng certificates, plaque at medals, isang eskuwelahan la-mang ang kanilang kina-usap upang maging ma-gaan ang communica-tions.

"If we have two or more schools involved, it may cause difficulty. At least, with one school, madali mong ma-organize ang lahat. Low cost, less problem," dagdag ni Gonzales.

Magpipirmahan din ng MOA, ang PHILSOC at si University of Cebu (UC) president Bert Ricablanca, gayundin si Bacolod Representative Monico Puentevella at Senator Richard Gordon upang tumulong sa Baco-lod City at Subic, ayon sa pagkakasunod.

Ang Cebu, Bacolod at Subic ay magiging sate-llite venues ng Nov. 27-Dec. 5 meet.

Sa pamamagitan ni Gonzales, nag-volunteer din ang Emilio Aguinaldo College (EAC) sa ilalim ng National Youth Commis-sion (NYC).

Sa EAC gym gagana-pin ang wushu at arnis at ang Pearl Manila, ang three-star hotel na co-owned ng EAC, ang ha-hawak ng accommoda-tions ng athletes at offi-cials sa mga naturang sport.

Ayon kay Dino Badilla ng NYC at chairman ng PHILSOC volunteers committee, marami pang universities at colleges ang hihingian ng tulong sa 11-nation meet.

ANG CEBU

AWARDS COMMITTEE

BACOLOD REPRESENTATIVE MONICO PUENTEVELLA

BERT RICABLANCA

DINO BADILLA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GONZALES

LYCEUM OF THE PHILIPPINES

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NATIONAL YOUTH COMMIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with