At ang katotohanang ito ay nabatid na ng napakaraming mga manlalarong nakapaglaro sa PBA nang panandalian at pagkatapos ay nakalimutan. Kung hindi ka rin lang exceptional, talagang hindi ka tatagal sa PBA.
Sa Oktubre ay magsisimula ang panibagong PBA season at mara-mi-raming datihang manlalaro ang malamang sa hindi na natin makita. Biruin mong nag-disband ang Shell Velocity at siyam na teams na lang ang natira. Ibig sabihin nun ay 12 hanggang 15 manlalaro ang naulila ng Shell Velocity. Ang ilan sa mga ito ay nalipat ng koponan subalit ang ibay nasa limbo pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Idagdag pa rito ang pangyayaring 18 amateur standouts ang napili kamakailan sa idinaos na 2005 PBA Rookie Draft sa Sta. Lucia mall. Ibig sabihin, labing-walong beterano ang papalitan ng mga baguhang players na ito.
So bale 30 hanggang 33 datihang manlalaro ang mawawalan ng trabaho.
Napakalungkot isipin ang pangyayaring ito. Saan pupunta ang mga players na hindi na makakapirma ng kontrata?
Siguro naman, karamihan sa mga ito ay nakapag-ipon na rin. Kasi nga, nang tumapak sila sa PBA, alam na rin naman nila ang kalakaran sa liga. Alam naman nilang hindi panghabang-panahon ang paglalaro sa PBA at darating ang araw na mapapalitan silat ma-pag-iiwanan. Sabi nga nila, "you have to save for the rainy days." Malamang sa ginawa na nila ito.
Pero paano naman yung mga manlalarong hindi inisip ang bukas at ang inisip ay ang pagpapasarap sa kasalukuyan? Paano yung mga manlalarong hindi nag-ipon at sa halip ay nilustay ang kinita? Paano ang mga manlalarong ni hindi man lamang nakabili ng bahay at lupa at hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin?
Saan sila pupulutin? Ano ang kanilang ikabubuhay?
Mabuti sana kung ang mga ito ay nakapagtapos ng kolehiyo at mayroong diploma bilang fallback position.
Pero magkaganoon man, hindi pa rin iyon garantiya na maka-kakuha sila ng trabaho ngayong tapos na ang kanilang playing careers.
Kung ang mga ibang college graduate nga ay nahihirapang humanap ng trabaho, yun pa kayang hindi nakapagtapos ng kolehiyo?
Well, at least, masuerte pa rin sila dahil kahit paanoy natupad ang kanilang pangarap na makapaglaro sa PBA. Iilan lang ang nabi-bigyan ng ganitong pagkakataon.
Yung ibay hanggang panood na lang nga, e, ngek!!!