^

PSN Palaro

RP-San Miguel pupulot ng aral sa Brunei cagefest

-
BRUNEI, Darussalam -- Ipagpapatuloy ng RP-San Miguel Beer ang kanilang pagsasanay sa paglahok sa 5th Shell Rimula Cup dito sa National Indoor Stadium.

Sa ikatlong foreign tournaments ng RP-San Miguel sa loob lamang ng dalawang buwan, uma-asa si coach Chot Reyes na mas yayabong ang ka-nilang kaalaman sa pag-lalaro ng international brand ng basketball sa isang linggong six-team tournament na may prem-yong $20,000.

Ayon kay Reyes, ang torneong ito sana ang kanilang final preparation para sa FIBA-Asia Cham-pionship Cup sa Doha, Qatar sa Sep-tember ngunit naunsiyami sila dahil sa suspension ng FIBA sa bansa na lu-mahok sa mga internatio-nal tournaments.

Kasama din ang Alas-ka Aces sa torneong ito na maglalahok ng Filipino selection na tatawaging Warriors at kinabibilangan nina Gilbert Malabanan, Genesis Sasuman at Ricky Ricafuente na pu-malit sa Indonesian na-tional team na umatras sa last minute.

Magde-debut para sa RP-SMB squad sina Rafi Reavis, Jimmy Alapag at Nic Belasco matapos di makasama sa Global Hoops Summit sa Las Ve-gas, Nevada at sa Jones Cup sa Taiwan noong July.

Kasama rin sa RP squad sina Asi Taulava, Kerby Raymundo, Ren-ren Ritualo, Dondon Hon-tiveros, Jayjay Helter-brand, Romel Adducul, Tony dela Cruz, Billy Mamaril at Kelly Williams.

Ang unang kalaban ng Na-tionals ay ang Toshiba ng Ja-pan na kasaluku-yang naglalaro habang sinusulat ang balitang ito.

vuukle comment

ASI TAULAVA

ASIA CHAM

BILLY MAMARIL

CHOT REYES

DONDON HON

GENESIS SASUMAN

GILBERT MALABANAN

GLOBAL HOOPS SUMMIT

JAYJAY HELTER

JIMMY ALAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with