^

PSN Palaro

P8.5M contract din kay Cabagnot

- Carmela Ochoa -
Isa na namang rookie ang naging instant milyo-naryo.

Ito ay ang Fil-Am na si Alex Cabagnot, No. 2 pick sa nakaraang Annual Draft ng Philippine Bas-ketball Association na pu-mirma ng P8.5 milyong kontrata sa Sta. Lucia Realty.

Tulad ng top draft pick na si Anthony Washing-ton, nakuha rin ng 22-gulang na si Cabagnot, galing sa University of Hawaii, ang maximum contract na pinapayagan ng PBA para sa mga rookies.

Ang naturang kontrata ay tatagal ng tatlong taon gaya ng nilagdaan ni Washington sa Air21 noong nakaraang Miyer-kules.

Ang 6-foot-2 guard na nahasa sa U.S. ay sikat sa Eagle Rock High sa Los Angeles kung saan binura niya ang scoring record ni Mark Caguio ng Barangay Ginebra.

Hindi tulad ni Wa-shington, inaasahang mananatili si Cabagnot sa bakuran ng Realtors.

Bagamat nakapirma na si Washington sa Express ay wala pa rin itong katiyakan kung lalaro ito sa Air21 sa 2005-2006 season na magubu-kas sa Oktubre dahil kasalukuyan pa ring nasa trading block ito ng Express.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ANTHONY WASHING

BARANGAY GINEBRA

CABAGNOT

EAGLE ROCK HIGH

LOS ANGELES

LUCIA REALTY

MARK CAGUIO

PHILIPPINE BAS

UNIVERSITY OF HAWAII

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with