Ayon kay Ramirez, hindi na siya magsasalita ukol sa mga pasaring sa kanya ni Pagdanganan.
"I have no comment on that. I listen to the President and I work hard for the Philippine sports and for the athletes," wika ni Ramirez kahapon sa idinaos na special General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Milky Way Café sa Makati City.
Matatandaang hindi nagustuhan ni Pagdanganan ang mga komento ni Rami-rez hinggil sa sinasabing mabagal na pamamalakad niya sa PHILSOC para sa dara-ting na 23rd SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Ginawa ito ni Ramirez dalawang araw matapos ibigay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pa-ngunguna sa PHILSOC nina POC president Jose Peping Cojuangco, Jr. at Ramirez para sa mabilis na paghahanda sa 2005 SEA Games.
Mariing sinabi ni Pag-danganan na hindi nalalaman ni Ramirez ang kanyang mga pinagsasabi.
"Lets just look at ones credibility," sambit lamang ni Ramirez sa mga pahayag laban sa kanya ni Pagdanganan.
Si Cojuangco ang siyang tatayong Chief Executive Officer (CEO) ng PHILSOC, samantalang si Ramirez naman ang aaktong Chief Operating Officer (COO).