Ayon kay Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok, kulang pa rin ang mga equipment na gagamitin para sa SEA Games hosting.
"So far so good naman ang preparation namin for the 2005 SEA Games, yung equipment na lang ang problema kasi as host dapat alam na nating gamitin ang mga yan," wika kahapon ni Go.
Ang naturang suliranin ni Go ay inaasahang isa lamang sa mga bagay na tatalakayin ng Philippine Olympic Commit-tee (POC) para sa itinakdang special General Assembly ngayong hapon sa Milky Way Restaurant sa Makati City.
Bukod sa equipment, ang gagamiting venue rin ang pag-uusapan sa pulong.
"Ang concern talaga namin with the Ninoy Aquino Stadium is that we are only good for six tables para sa competition namin," sabi naman ni Table Tennis Association of the Phi-lippines (TATAP) head Victor Valbuena. "Pero kung hindi gagamitin ng gymnastics, okay na sa amin yon."
Posible ring hingan ni POC president Jose Peping Co-juangco, Jr. ng prediksyon ang bawat NSA para sa 2005 SEA Games.
Nangako si Go na 15 mula sa kabuuang 45 gintong me-dalya ang kayang ibigay ng kanyang mga atleta sa track and field, samantalang lima sa walo naman ang maisusulong ng kanyang tropa sa chess. (Ulat ni Russelll Cadayona)