^

PSN Palaro

Rematch nina Pacquiao at Morales baka ‘di matuloy

-
Posibleng hindi matuloy ang inaasahang rematch sa pagitan nina Erik Morales ng Mexico at Manny Pacquiao ng Philippines.

Isang malaking hadlang sa labang ito si Zahir Raheem na magiging mapanganib para kay Morales kung pagbabasehan ang kredensiyal ng una.

Maghaharap sina Morales at Raheem bilang co-main event ng Sep-tember 10 ‘Double Trou-ble’ bout sa Staples Center sa Los Angeles.

Si Raheem, tubong Philadelphia ay may ma-gandang record na 26 wins, 1 talo, 16 nito ay mu-la sa knockout wins bilang No. 6 sa WBC, No. 7 sa WBO at No. 10 naman sa WBA.

Natalo lang si Raheem kay Rocky Juarez ng Houston, na halos isang taon na ang nakakaraan.

Sinabihan ng ilang mga eksperto sa boxing si Bob Arum na siyang may planong pagharapin sina Morales at Pacquiao.

Kailangang daigin ng Mexicano si Raheem upang matupad ang pay-per-view fight na nakatak-dang ganapin sa huling linggo ng buwan ng Enero sa susunod na taon.

"I wouldn’t be sur-prised if something earth-shaking happens be-tween Raheem and Mo-rales," ani ng isang source na naka-base sa Los Angeles.

Kabilang sa tinalo ng 28-anyos na si Raheem ang dating world cham-pion na si Luisito Espino-sa na kanyang pinigil sa 8th-round ng kanilang 2002 bout.

Plano naman ni Mora-les na muling magsanay sa kabundukan ng Otomi hanggang Sept. 7 bago siya bibiyahe patungong Los Angeles sakay ng private jet.

vuukle comment

BOB ARUM

DOUBLE TROU

ERIK MORALES

LOS ANGELES

LUISITO ESPINO

RAHEEM

RAHEEM AND MO

ROCKY JUAREZ

SI RAHEEM

STAPLES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with