Sa kabiguang ito ng Maroons, bumagsak sila sa ikat-long posisyon dahil sa kani-lang pinakamababang qou-tient.
Ang University of Santo Tomas na nanalo sa De La Salle, 25-17, 25-13, 25-18, ay tumabla sa FEU Tamaraws at UP Maroons na may 6-1 kartada ngunit ang Tigers ang kumopo ng No. 1 spot dahil sa kanilang pinakamataas na qoutient na 4.75 laban sa 1.190 ng Tamaraws at 1.126 ng State U na binase sa sets won at sets lost quotient.
Nasa ikaapat na puwesto ang Adamson na may 4-3 kar-tada matapos igupo ang Uni-versity of the East, 25-17, 22-25, 25-22, 25-10, habang natik-man ng National University ang unang panalo matapos gulan-tangin ang Ateneo, 28-26, 25-20, 25-22.
Namayagpag naman ang Lady Falcons sa womens vol-leyball sa UP gym, nang kani-lang iposte ang ikaanim na pa-nalo laban sa Lady Maroons 26-24, 25-19, 28-30, 25-11.
Naging magaan naman ang panalo ng reining womens titlists La Salle sa UST Tigres-ses at dahil dito ay nakuha nila ang No. 2 spot sa womens vol-leyball dahil sa superior qou-tient laban sa Adamson Univer-sity na katabla nila sa 6-1.
Dinurog ng Lady Archers ang mahinang Tigresses sa loob lamang ng 54 minuto, 25-10, 25-20, 25-11.