Target na medals sa SEAG aalamin ng POC
August 15, 2005 | 12:00am
Isang special General Assembly ang itinakda ng Philippine Olympic Com-mittee (POC) sa Miyerkules sa Milky Way Restaurant sa Makati City.
Ayon kay POC president Jose Peping Cojuangco, Jr., tatalakayin sa naturang pulong ang listahan ng mga atletang isasabak ng 41 National Sports Associations sa darating na 23rd South-east Asian Games sa Nob-yembre.
"Basically, puwedeng sabihin na medal pledging na rin ito ng mga NSAs sa 2005 Southeast Asian Games. Pero may mga mahalaga pa kaming pag-uusapan bukod doon," wika ni Cojuangco.
Inaasahang tatanungin ni Cojuangco, pangulo ng equestrian federation, ang bawat NSA chief kaugnay sa paghahanda ng kani-kani-lang atleta para sa naturang biennial event.
Pag-uusapan rin ang mga gagamiting competition equipment para sa kabuu-ang 441 sports events at ang kahandaan ng 42 venues sa Metro Manila, Bacolod City, Cebu City at Subic Bay Freeport.
Nakalatag rin sa pulong ang schedule of competition para sa television at radio coverage ng 2005 SEA Games. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am