NCR-WNCAA nadagdagan

Lalong lumaki ang pamilya ng National Capital Region ng Women’s National Colle-giate Athletics Association sa pagpasok ng tatlong bagong member shool para sa ika-36th season ng liga na magbubukas sa Sabado.

Ito ay ang AMA Computer University, La Consolacion College at ang World Citi Colleges para sa kabuuang 18-member school sa taong ito na iho-host ng Emilio Aguinaldo College-Manila.

Inilunsad kahapon ang 2005 season ng WNCAA sa Pearl Hotel sa Taft Ave. na pinangunahan ni Vivian Manila.

Panauhing pandangal ang Asia’s Sprint Queen na si Lydia De Vega-Mercado sa opening sa ganap na alas-12:00 ng tanghali sa Cuneta Astrodome na susundan ng tatlong basketball games.

Show comments