^

PSN Palaro

Makalapit sa Final Four asam ng Dolphins

-
Matapos makabangon sa dalawang sunod na kabiguan, nakabalik na sa winning track ang de-fending champion Philippine Christian University at hangad nilang maka-lapit sa Final Four sa pag-papatuloy ng kanilang pagtatanggol ng titulo sa NCAA seniors basketball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome.

Sasagupain ngayon ng PCU Dolphins ang Jose Rizal University sa unang seniors game sa ala-1:00 ng hapon upang makasiguro ng playoff para sa huling slot sa Final Four.

Kasalukuyang nasa ikalawang posisyon ang Philippine Christian na may 7-2 kartada sa liku-ran ng nangungunang host Colegio de San Juan de Letran na may malinis na 9-0 record at halos nakakasiguro na ng puwesto sa Final Four.

Bagamat nagtagum-pay ang Dolphins sa kanilang unang pakikipagla-ban kontra sa Jose Rizal, kailangan nila ng ibayong pag-iingat dahil determinado ang Bombers na iahon ang kanilang kulelat na 2-7 kartada.

Sa ikalawang seniors game, nais naman ng Mapua Institute of Technology na patatagin ang kanilang kapit sa ikatlong puwesto sa pakikipag-harap sa College of St. Benilde sa alas-4:00 ng hapon.

Taglay ng MIT Cardi-nals ang 5-4 win-loss slate habang ang CSB Blazers ay kabilang sa three-way-tie sa 3-6 record kasama ang pahinga ngayong University of Perpetual Help System Dalta at San Sebastian College-Recoletos.

Sa kaisa-isang juniors game, maghaharap na-man ang JRU Light Bombers at ang PCU Baby Dolphins sa alas-11:30 ng umaga. (Ulat ni CVO)

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

FINAL FOUR

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LIGHT BOMBERS

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

PHILIPPINE CHRISTIAN

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with