^

PSN Palaro

Roddick kampeon sa Legg Mason Tennis classic

-
WASHINGTON -- Nagpa-kawala ang top seed na si Andy Roddick ng 18-aces upang igupo ang kanyang kapwa Amerikanong si James Blake, 7-5, 6-3 upang maghari sa Legg Mason Tennis Classic championships sa ikalawang pagkakataon.

Sinamantala ni Roddick na nanalo rin sa torneong ito sa Washington noong 2001, ang sunud-sunod na error ni Blake upang makopo ang unang set at ginamit na ang kanyang momentum tungo sa kanyang ikaapat na titulo sa taong ito.

Hindi mahalaga kay Roddick, na lumahok sa Legg Mason event matapos mabigo sa quarterfinals kay Gineperi sa Indianapolis at nag-with-draw dahil sa namamagang tuhod mula sa Los Angeles tournament na pinagwagian ni Andre Agassi, ang kinaila-ngang panalo sa torneo.

Nanalo ang 2002 cham-pion na si Blake ng tatlong sunod na games upang maitabla ang unang set sa 4-4 kabilang ang na-break niyang service para makalapit sa 4-3 na siyang tanging pagka-kataon sa buong linggo na natalo si Roddick sa kanyang serbisyo na sumira ng kanyang 56-game holding streak.

Nagawa niya ito at nakuha niya ang 6-5 kalamangan sa pamamagitan ng kanyang malakas na service game bago nito makuha ang unang set nang ma-outside ang volley ni Blake.

Sa ikalawang set, naka-break si Roddick ng service para kunin ang 5-3 kala-mangan bago nito naitala ang tatlo sa kanyang 18-aces kabilang ang 232kph na serbisyo, upang makopo ang titulo.

Nauna rito, ang kambal na sina Mike at Bob Bryan ng United States ay namayani naman kina Wayne Black at Kevin Ullyet ng Zimbabwe, 6-4, 6-2 upang makopo ang doubles title.

ANDRE AGASSI

ANDY RODDICK

BOB BRYAN

JAMES BLAKE

KANYANG

KEVIN ULLYET

LEGG MASON

LEGG MASON TENNIS CLASSIC

LOS ANGELES

RODDICK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with