Pinoy trainer ni Pacquiao nag-aalala
August 8, 2005 | 12:00am
Nag-aalala ang matagal nang kaibigan at Pinoy trainer ni Manny Pacquiao na si Restituto Buboy Fernandez sa kondisyon ng Pinoy ring gladiator may isang buwan na lamang bago ang kanyang pakikipagbakbakan kay Mexican veteran Hector Velasquez sa Setyembre 10.
Nagpahayag ng pag-aalala si Fernandez nang maka-raang makita ang workout ni Pacquiao sa L&M gym na pag-aari ng dalawa sa dating miyembro ng orihinal na Team Pacquiao na sina Moy Lainez at Lito Mondejar.
"Manny is really short in terms of stamina and speed," ani Fernandez na umamin na wala sila gaanong alam sa teknik ni Velasquez.
Gayunpaman, nagpahayag naman ng kumpiyansa ang abogadong si Keith Davidson, miyembro ng bagong Team Pacquiao na dumating sa bansa para alamin ang kondisyon ng Pinoy boxer.
Ngunit sa tunay na pagkilatis sa kondisyon ni Pacquiao matapos ang epikong laban nito noong Marso 19 kay Erik Morales na pinatotohanan ni Pacquiao ang kanyang kabiguan, sinabi ni Fernandez na maikli lamang ang oras para makarekober matapos ang apat na buwan at kalahating buwang walang ensayo.
Gayunpaman, sinabi din ni Fernandez na kapag puma-sok na sa loob ng gym at nagsimulang magsanay si Pac-quiao, ito ay todo-todo at binibigyan ng higit na atensiyon. Ipinaliwanag ni Fernandez na matagal na silang napahinga at mahirap na ma-overwork ang katawan dahil parang makina ito na kailangang dahan-dahan bago tuluyang makabalik sa dating porma.
Isiniwalat naman ni Davidson na may mga itinatagong sekreto si Pacquiao para macounter ang suntok ni Velasquez at ito ang tatrabahuhin agad ni American trainer Freddie Roach pagdating na pagdating ni Pacquiao sa Wild Card gym sa Lunes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended