^

PSN Palaro

UAAP men's basketball: Falcons, 4th win tinuhog ng Red Warriors

-
Naging magaan ang tagumpay ng University of the East nang kanilang dominahin ang laro kontra sa host Adamson University tungo sa 90-69 tagumpay na nagsulong sa Red Warriors sa ikaapat na panalo sa pagpapatuloy ng UAAP Men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Matapos mabigo sa unang asignatura, wala pang talo ang UE Red Warriors na nagsosolo na sa ikalawang posisyon matapos umangat sa 4-1 karta habang dumausdos naman ang AdU Falcons sa 2-3 marka.

Matapos kunin ang 46-31 halftime lead, higit pang lumayo ang bentahe ng UE na umabot ng isang buwan 72-42 bago matapos ang ikatlong quarter.

Sa unang laro, ipinamalas ni J. C. Intal ang kanyang pinakamagan-dang laro sa season na ito sa pamamagitan ng kanyang kumpletong performance upang ihatid ang Ateneo de Manila University sa kanilang unang back-to-back na panalo sa torneong ito nang kanilang pasadsarin ang University of the Philippines, 71-63.

Tumapos si Intal ng season-high na 23 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists, dalawang steals at dalawang blocks sa 35 minutong paglalaro upang iangat ang ADMU Blue Eagles sa 3-2 win-loss slate.

Sa pang-umagang laban namayagpag ang defending champion Ate-neo Blue Eaglets laban sa UP Integrated School, habang dinurog naman ng host AdU Baby Falcons ang UE Pages, 72-60.

Muling nakisalo sa liderato ang Blue Eaglets sa De La Salle Zobel at FEU Baby Tams bunga ng magkakatulad na 4-1 record habang umangat naman ang AdU Baby Falcons sa 3-2 kartada katabla ang UPIS Baby Maroons. Bumagsak ang UE Pages sa 1-4. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ADAMSON UNIVERSITY

ARANETA COLISEUM

BABY FALCONS

BABY MAROONS

BABY TAMS

BLUE EAGLES

BLUE EAGLETS

CARMELA V

DE LA SALLE ZOBEL

RED WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with