^

PSN Palaro

PCU, Letran magkasalo pa rin

-
Nanatiling magkasalo sa liderato ang defending champion Philippine Christian University at ang host Colegio de San Juan de Letran matapos sumulong sa ikaanim na sunod na panalo nang kanilang igupo ang magkahiwalay na kalaban sa NCAA men’s basketball tournament eliminations na nagpatuloy kahapon sa Cuneta Astrodome.

Ang maluwag na depensa ang nagbaon sa PCU Dolphins sa 11-point deficit ngunit nang kani-lang paigtingin ang depensa, tinapos nila ang laro na may 14-puntos na kalamangan nang kanilang limitahan sa 17-puntos ang College of St. Benilde sa second half tungo sa 63-49 panalo sa unang seniors game.

Binasag ni Boyet Bautista ang 67-pagtatabla ng iskor nang umiskor ito ng short stab sa huling 6.1 segundo ng labanan upang ihatid ang CSJL Knights sa kalamangan at tuluyang naisubi ang 69-67 tagumpay nang makuha ni John Paul Alcaraz ang inbound error ni Tristan Veranga.

Kinamada ni Ramon Retaga ang 10 sa kanyang 16-puntos na pro-duksiyon habang walo sa 18-puntos bukod pa sa 13 rebounds ni 2004 MVP at ROY Gabby Espinas sa pagbangon ng PCU Dol-phins sa ikatlong quarter tungo sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.

Sa juniors division, naitakas ng La Salle Greenhills ang 65-62 panalo laban sa PCU Baby Dol-phins. (Ulat ni CVOchoa)

BABY DOL

BOYET BAUTISTA

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

GABBY ESPINAS

JOHN PAUL ALCARAZ

LA SALLE GREENHILLS

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RAMON RETAGA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with