^

PSN Palaro

Protesta ng DLSU dedesisyunan ngayon

-
Dedesisyunan ngayon ng Basketball Technical Committee ng UAAP ang inihaing protesta ng defending champion De La Salle University na lumasap ng malaking pagkatalo laban sa University of the East noong Linggo.

Nakatakdang magpupulong ngayon ang technical committee ng bas-ketball na pangungunahan ng committee chairman na si Ricky Palou ng Ateneo sa Casino Español sa may Kalaw.

Prinotesta ng La Salle ang isang goal interference at goal tending ni Elmer Espiritu sa ikatlong quarter ng kanilang 56-57 pagkatalo laban sa UE Red Warriors.

Bagamat magkapatid ang coach na naglaban sa larong ito -- si Franz Pumaren sa La Salle at Dindo Pumaren sa East -- nabahiran ng kontrobersiya ang kanilang laban.

Ayon sa technical committee head na si Romy Gueverra, sa ikatlong quarter pa nangyari ang mga naturang insidente at hindi na nakaa-pekto ang mga ito sa resulta ng laro.

Alas-12:00 ng tanghali nakatakda ang pagp-pulong para desisyunan kung kakatigan ang protesta ng La Salle o ib-basura ito ng technical committee.

Nagdesisyon ang La Salle na iprotesta ang laro na inihain ni Fr. Danny Jose, gabi ng Lunes, matapos rebisahin ang game tape na ayon kay La Salle coach Franz Pumaren ay malinaw na nagkaroon ng mga violations na hindi itinawag ng mga referees. (Ulat ni CVO)

BASKETBALL TECHNICAL COMMITTEE

CASINO ESPA

DANNY JOSE

DE LA SALLE UNIVERSITY

DINDO PUMAREN

ELMER ESPIRITU

FRANZ PUMAREN

LA SALLE

RED WARRIORS

RICKY PALOU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with