Malinis na karta asam ng PCU at Letran
July 20, 2005 | 12:00am
Panatilihing malinis ang karta ang pakay ng defending champion.
Philippine Christian University at host Colegio de San Juan de Letran sa pakikipagharap sa mabibigat na kalaban sa pagpapatuloy ng NCAA Mens Basketball Tournament sa Cuneta Astrodome.
Makakasagupa ng PCU Dolphins ang College of St. Benilde sa unang seniors game sa alas-2:00 ng hapon habang ang mapanganib na Mapua Institute of Technology naman ang haharapin ng CSJL Knights sa alas-4:00.
Magkasalo sa liderato ang Philippine Christian at ang Letran taglay ang 5-0 record at di nakakalayo ang MIT Cardinals na may 4-1 karta kasunod ang CSB Blazers sa 3-2 baraha.
Huling biktima ng Philippine Christian ang MIT Cardinals noong Bi-yernes, 57-49 kung saan kumamada ang reigining MVP na si Gabby Espinas ng 11-puntos, 12-rebounds, tatlong steals at tatlong shot blocks.
Tangka namang makabawi ng St. Benilde mula sa dalawang sunod na kabiguan na naging dahilan ng kanilang pagbagsak sa ikaapat na posisyon kaya umaasa si coach Caloy Garcia na magbibigay ng 100% performance sina Paolo Orbeta, Jay Sagad at Carlo Manding.
Gagamitin naman ng Letran ang kanilang height advantage sa pangunguna nina 67 Mark Andaya, 65 Eric Rodriguez at 64 Jona-than Piñera laban sa Mapua na sasandal naman sa kanilang running game at transition defense. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am