^

PSN Palaro

Pacquiao makikipagpalitan ng kamao kay Velasquez

-
Gaya ng dapat asahan, mapapasabak si Manny Pacquiao sa matikas na Mexicanong si Hector Velasquez kung saan makikiagaw ng eksena ang Filipino southpaw kay Erik Morales sa Sept. 10 sa Staples Cen-ter sa Los Angeles.

Nalaman ni Pacquiao ang kanyang nakatakdang pakikipagtipan kay Velasquez noong Martes ng gabi mula sa kanyang American manager na si Shelly Finkel.

"Line them up," wika ni Pacquiao. "I am not afraid to face anyone. Bring them on."

Tampok rin sa Sept. 10 bout ang sagupaang Morales-Zahir Raheem ng Amerika at ang panalo rito ng may mahabang kamay na Mexican ang maghahatid sa kanya para sa lukratibong rematch kay Pacquiao kung saan magaang na maipapanalo ng Pinoy ang kanyang laban kay Velasquez.

Sa katunayan, aalis si Pacquiao patungong Los Angeles sa August 1 pagkatapos ng huling araw ng shooting ng kanyang pelikula ay sa July 30. Sinabi pa rin ni Pacman na magkakaroon ng press conference sa Morales-Pacquiao card na planong gawin sa August 4 sa Los Angeles.

Ang 30-anyos na si Velasquez ay isang 12-year professional at taglay ang 41-10-2 win-loss-draw card na may 30 knockouts, habang ipaparada naman ng 26-gulang na si Pacquiao ang 39-3-2 slate na may 30 KOs.

Bagamat apat na ulit siyang natalo, nagawa namang paangatin ni Velasquez ang kanyang performance sa mga nakaraang taon na nagdala sa tubong Tijuana na mapasabak sa mga malalakas na kalaban.

AMERIKA

ERIK MORALES

HECTOR VELASQUEZ

LOS ANGELES

MORALES-ZAHIR RAHEEM

PACQUIAO

SHELLY FINKEL

STAPLES CEN

VELASQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with