Ngunit ang RP mainstay na si Lloyd Escoses ang siyang umagaw ng pinakamalaking panalo ng araw na iyon nang kanyang sibakin ang two-time champion na si Ian Piencenaves, 15-8, 15-11 upang isa-ayos ang kanilang titular showdown ni Kennevic para sa top P25,000 purse sa center-piece event na itinataguyod ng JVC (PHILS.), Inc.
Binanderahan naman ni Kennie ang kampanya ang Golden Shuttle Foundation na tangka ang kanyang ikalimang sunod na titulo sa ladies singles ng kanyang talunin ang kapwa RP pool member at Manila Polo Club bet na si Vanessa Tang-co, 11-0, 11-1 upang itakda naman ang kanilang paghaharap para sa korona ni Irene Chiu ng Ateneo. Ginapi ni Chiu ang kapwa national team mainstay na si Alma Ledesma, 11-5, 11-5.
Sa kabilang dako naman, kinailangan ni Kennevic ng extra set bago niya napayukod si Arolas Amahit, 15-7, 13-15, 15-6 sa unang semis match ng mens class sa event na ito na inorganisa ng img at supor-tado ng Alaska, Gosen, Chris Sports, Rudy Project, Techno-marine, Nokia, Lactacyd, Pioneer Life, Bacchus at Akari.
Samantala, isang Nokia 9300 at isang Technomarine Wristwatch ang ipapa-raffle ngayon sa mga kalahok ng JVC Open, ang pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong badminton tournament sa bansa.