^

PSN Palaro

Hataw ang Shakey's V-League

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Isang e mail ang natanggap namin patungkol sa Shakeys V League. Heto ang contents ng mail nya:

"I’m Cristine, 23 years of age, volleyball fanatic. I wanted to take this opportunity to thank you kasi po kahit maliit lang na space sa column nyo sa PILIPINO STAR NGAYON e binabanggit nyo po ang SHAKEY’s V-LEAGUE.

Volleyball fan po ako lalo na po ng V-League particularly ni MICHELLE CAROLINO ng DLSU at MARY JEAN BALSE ng UST. But i can’t seem to get enough information about them. Kung pwede po na i-feature nyo sila one of this days sa columns nyo sa PSN. Halos lahat po kami sa bahay ay super enjoy sa panonood sa kanila. I never failed to watch their game every Saturday sa Rizal Memorial Coliseum kaso po magtatapos na itong conference na ito this coming thursday if ever manalo ang DLSU. Sana po mapagbigyan nyo ang aking kahilingan. More power sa columns ninyo at sa inyo po."

O hayan, Rhea Navarro, talagang marami ng fans ang Shakey’s V League.
* * *
Lalong nagkandaloko-loko na ang Phil. basketball.

Na-ban na tuloy ang Pilipinas sa mga FIBA tournaments hangga’t di naayos ang gulo rito sa atin. Sana naman, magka-ayos ayos na ang POC at BAP.

Ganyang BAP pa rin pala ang nire-recognize ng FIBA, ayusin na lang sana ng POC kung ano man ang problema.

Okay naman kay Joey Lina na ayusin ang lahat ng problema so sana magkasundo na lang sila.
* * *
Congratulations to Willie Miller na nahirang na best player of the conference.

I think he’ll be on his way to being MVP of the season,

Napakalayo na ng narating ni Miller mula nung naglalaro pa lang siya sa Letran College sa NCAA.
* * *
Natikman na ng Dolphins ang "lupit" ni Junel Baculi.

Sa laban ng PCU at San Beda nung isang araw, binanatan ng maanghang na sermon ang mga players niya na ayaw maglaro ng tama, kasali na dyan si Gabby Espinas na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakitang gilas para sa team.

Hayun, nagising tuloy ang mga players sa sumunod na quarter.

Kinausap na ni Baculi ang Presidente ng PCU at humingi na siya ng permiso upang suspendihin ang mga players na pasaway.

Sabi ni Baculi, big player man o hindi, wala siyang sisinuhin sa team kapag kailangan niyang mag-disiplina.

Yun na....

vuukle comment

GABBY ESPINAS

JOEY LINA

JUNEL BACULI

LETRAN COLLEGE

RHEA NAVARRO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA

SANA

SHAKEYS V LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with