Kapwa naipanalo nina Warren Kiamco at Gandy Valle ang kani-kanilang laban noong Miyerkules ng hatinggabi sa opening round ng knockout phase upang makasama sina defending champion Alex Pagulayan, Marlon Manalo at Rodolfo Luat at iba pa sa final 32 players field.
Ginapi ni Kiamco si David Reljic ng Australia, 10-6, habang pinayukod naman ni Valle si Do Hoang Quan ng Vietnam, 10-8 upang umusad sa Day 6 ng nine-day tournament na ito.
Ang panalo nina Valle at Kiamco ay nagseguro rin sa kanila na maiuwi ang hindi bababa sa US$2,500 (P140,000).
Nakatakdang sagupain ni Kiamco si Chang Jung Ling ng host Chinese Taipei.
Ang 20-anyos na si Chang ang siyang gumawa ng malaking upset sa mga Pinoys ng kanyang sibakin si Bustamante, 10-8 sa round of 64. Nakatakda namang makipagsarguhan si Valle, dating Asian Games gold medalist sa isa pang hometown bet na si Chen Ying Chieh.
Makikipagbanggaan si Pagulayan, na nagtala ng 10-5 panalo laban sa Koreanong si Park Shin Young, kay Viloms Foldes ng Hungary.
Makikipagtumbukan naman si Manalo na umiskor ng come-from-behind na 10-9 panalo laban sa Amerikanong si Charles Byrant sa isa pang hometown bet na si Huang Chien-Che, ha-bang makikipagkita na-man si Luat ang kauna-unahang Pinoy na nakarating sa last 32 matapos ang 10-1 pananaig laban kay Luong Chi Dung ng Vietnam sa isa pang Vietnamese bet na si Thanh Nan Nguyen.
Muling ipinakita ng host Chinese Taipei ang kanilang dominasyon ng sampung Taiwanese ang umentra sa final 32.