^

PSN Palaro

3rd win target ng PCU at Mapua

-
Tangka ng defending champion Philippine Christian University at ng Mapua Institute of Technology ang ikatlong sunod na panalo upang muling pantayan ang College of St. Benilde at host Colegio de San Juan de Letran sa liderato ng NCAA men’s basketball tournament.

Itataya ng PCU Dolphins at ng MIT Cardinals ang kanilang malinis na record laban sa University of Perpetual Help Dalta System at sa San Beda College ayon sa pagkakasunod.

Mauunang maghaharap ang Philippine Christian at UPHDS Altas sa alas-2:00 ng hapon kasunod ang sagupaang Mapua at SBC Red Lions sa dakong alas-4:00.

Magkatabla sa 2-0 karta ang Cardinals at Dolphins sa likod ng CSB Blazers at CSJL Knights na magkasalo sa liderato taglay ang 3-0 karta.

Magsisilbing rematch ng finals ang sagupaan ng Philippine Christian at Perpetual na naghahangad makabangon mula sa dalawang sunod na talo.

"So far so good, but I al-ways remind my players that we can’t be complacent. We have to always stay focus even we’re leading," ani PCU coach Junel Baculi na sasandal kina Gabby Espinas, ang Rookie of the Year at Most Valuable Player noong nakaraang taon, Ramon Retaga, Rob Sanz, Jason Castro at iba pa.

Mauuna rito, maghaharap naman ang PCU Baby Dolphins at ang UPHDS Altalletes sa pang-umagang laban sa alas-11:30 ng umaga sa juniors division. (Ulat ni CVOchoa)

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF ST. BENILDE

GABBY ESPINAS

JASON CASTRO

JUNEL BACULI

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MOST VALUABLE PLAYER

PHILIPPINE CHRISTIAN

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RAMON RETAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with