2005 World Pool Championship: Bata, nasa peligro
July 5, 2005 | 12:00am
Kaohsiung, Taiwan Nalagay sa alanganing lugar si Efren Bata Reyes habang nanatiling walang talo ang kababayang si Marlon Manalo sa pagpapatuloy ng 2005 World Pool Championship.
Si Reyes, nanalo sa event noong 1999, ay tumanggap ng kanyang ikatlong talo makaraang yumuko kay Tomasz Kaplan ng Poland, 2-5, sa Kaohsiung Business Exhibition Center.
Bago ang kabiguang ito kay Kaplan, nakuha ni Reyes ang kanyang unang panalo sa pamamagitan ng 5-4 tagumpay kay Adam Adburahim ng Indonesia.
Kailangan ngayon ng 50 anyos na pool legend na ma-sweep ang lahat ng tatlong nalalabing laban niya sa Group 4 para maka-abante sa knockout-out stage sa Miyerkules.
Nakatakdang makaharap ni Reyes si Roman Hybler ng Romania at Tony Drago ng Malta kagabi habang ngayong hapon naman si Mike Davis ng US.
Habang nangangapa si Reyes, patuloy naman ang imakuladang record ni Manalo at naiwang natatanging Pinoy na walang talo makaraang angkinin ang ikaapat na sunod na panalo sa Group 15. Tinalo ni Manalo sina David Larrson ng Sweden, 5-3, at Stuart Lawler ng Australia, 5 -1.
Nabigo naman ang dalawa pang Pinoy--sina Gandy Valle at Dennis Orcullo -- na maduplika ang tagumpay ni Manalo nang malasap nila ang kanilang kaunahang kabiguan.
Yumuko si Valle kay Ceri Worts ng New Zealand, 4-5 sa Group 10 bagamat nasa magandang posisyon pa rin ito na makausad sa final 64.
Napigil naman ang two-game winning streak ni Orcullo makaraang igupo ni Ismael Paez ng Mexico, 5-4 sa Group 5 .
Kapwa naman humahawak ng magkakatulad na 2-2 record sina defending champion Alex Pagulayan, Francisco Django Bustamante, Warren Kiamco at Ronnie Alcano each sa Groups 1, 7, 3 at 12, ayon sa pagkakasunod.
Bumawi naman si Rodolfo Luat at nagtala ng dalawang sunod na panalo makaraan ang opening day na kabiguan sa Group 2.
Nakapasok din sa win column si Antonio Lining matapos ang dalawang sunod na kabiguan. Binokya ni LIning si Au Chi Wai ng Hong Kong, 5-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 22, 2024 - 12:00am