Lady Archers sinagpang ng Tigress

Sa larong puwedeng matalo, nagrally ang University of Santo Tomas para igupo ang La Salle, 14-25, 18-25, 25-20, 25-21, 16-14, kagabi at makuha ang malaking psychological edge heading patungo sa best-of-three series para sa 2005 Shakey’s V-League first conference crown sa Rizal Coliseum.

Umalma ang defending champion Tigress mula sa mabagal na panimula at sorpresahin ang Lady Archers sa ikatlo at ikaapat na set bago na-outhit ang karibal sa kapana-panabik na decider at agawin ang tagumpay sa harap ng maraming manonood.

Dahil sa tagumpay, nakuha rin ng España-based spikers ang mo-mentum at kumpiyansa sa kanilang pagsulong sa finals kontra sa Lady Archers sa Game-One sa Lunes.

Nauna rito, nakakuha ng konting maipagmamalaki ang San Sebastian nang daigin nila ang Ateneo, 25-20, 26-24, 28-26, sa pinaghirapang pa-nalo at iposte ang kauna-unahang tagumpay sa pagsasara ng semis ng torneong ito na hatid ng Shakey’s Pizza at suportado din ng Accel, Mikasa, Dunkin‚ Donuts, IBC-13, Philippine Sports Commission at Jemah Television.

Show comments