UST vs La Salle sa Shakey's V-League finals preview

Maghaharap ngayon ang University of Santo Tomas at La Salle sa tinaguriang preview ng kanilang kampeonato bagamat inaasahang mas pinaghahandaan ang kanilang pinakahihintay na salpukan sa 2005 Shakey’s V-League first conference crown sa Rizal Coliseum.

Ang pinaka-aabangang bakbakan ay magaganap bandang alas-5 ng hapon kung saan kapwa inaasahan na magpapakita ng kani-kanilang bagong plays at kombinasyon ang Tigress at Lady Archers na magagamit nila sa kanilang duelo sa finals simula sa July 4.

Ang championship, isang best-of-three affairs, ay magbibigay-daan muna sa World Volleyball Grand Prix na naka-takda sa July 1-3.

Sa unang non-bearing game, maglalaban naman ang Lady Eagles (2-3) at Lady Stags (0-5) sa ganap na alas-3 ng hapon at muling magha-harap sa Lunes para sa knock-out game naman para sa ikatlong puwesto sa event na ito na suportado ng Accel, Mikasa, Dunkin‚ Donuts, IBC-13 at Jemah Television.

Show comments