^

PSN Palaro

2nd win kuha ng Cardinals at Knights

-
Katakut-takot na sermon ang inabot ng MIT Cardinals mula kay coach Horacio Lim matapos ang ikatlong yugto ng labanan.

"I got mad at my players for playing a lousy offense," wika ni Lim sa kanyang Cardinals na umiskor lamang ng 4 puntos sa kabuuan ng ikatlong quarter. "Parang laro na nilalaro pa nila."

Ang resulta ng naturang sermon, ang 66-52 pamamayani ng Mapua sa Jose Rizal University sa eliminasyon ng 81st NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.

Kumabig si Fil-Canadian Kelvin dela Peña ng 15 puntos, 7 rebounds at 3 assists para igiya ang Mapua sa malinis na 2-0 record, habang lumatay naman sa Heavy Bombers ang 0-2 baraha.

Binuksan ng Cardinals ang laro mula sa isang 14-6 lamang patungo sa 46-22 pagbaon sa Heavy Bombers sa huling 54 segundo ng ikalawang quarter mula sa drive ni Joferson Gonzales.

Ngunit biglang nanlamig ang Intramuros-based cagers sa ikatlong quarter.

Sa likod ni Floyd Dedicatoria, naidikit ng Jose Rizal ang laro sa 39-50 sa unang apat na minuto ng final canto.

Subalit nakabawi naman ang Mapua sa paglista ng 64-44 bentahe sa huling 4:06 ng labanan mula sa tres ni Gonzales.

Sa ikalawang laro, dumiretso rin sa kanilang 2-0 baraha ang Letran Knights matapos igupo ang San Beda Red Lions, 63-54. (Ulat ni Russell Cadayona)

CUNETA ASTRODOME

FIL-CANADIAN KELVIN

FLOYD DEDICATORIA

HEAVY BOMBERS

HORACIO LIM

JOFERSON GONZALES

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN KNIGHTS

MAPUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with