^

PSN Palaro

BAP handang makipag-areglo sa POC

-
Umaasa ang Basketball Association of the Philippines (BAP) na makukuha nila ang simpatiya ng Philippine Olympic Committee (POC) bago ang itinakdang special General Assembly sa Hunyo 30.

Ayon kay BAP president Joey Lina, gagamitin niya ang lahat ng paraan upang iapela sa POC ang kanilang suspension.

"We will continue to reach out to them. We will use every avenues to achieve unity in sports," wika ni Lina kahapon sa kanyang panawagan kay POC chief Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr.

Itinakda ng POC Executive Committee, nagrekomenda sa pagsibak sa BAP bilang miyembro, ang isang special General Assembly sa Hunyo 30.

"Changes are being institutionalized and hopefully, this thing can be amicably settled for once and for all," sabi ni Lina, pumalit kay dating BAP head Tiny Literal.

Kaugnay nito, payag rin ang BAP na makipag-isa sa mga ‘incorporators’ na nagtatayo sa Philippine Basketball Federation, Incorporated (PBFI) na nabigong makapagdaos ng eleksyon noong Huwebes.

"The BAP will go out of its way to invite and cooperate with all basketball organizations, alliances and federations in the country, for the sake of unity in sports," dagdag ni Lina. (Ulat ni R. Cadayona)

vuukle comment

AYON

BAP

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

EXECUTIVE COMMITTEE

GENERAL ASSEMBLY

HUNYO

JOEY LINA

PHILIPPINE BASKETBALL FEDERATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

TINY LITERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with