Makakasama ni Immonen sina dating European cham-pion Marcus Chamat ng Denmark at limang Pinoy na pangunguna ni San Miguel Asian tour Manila leg champion Ronnie Alcano, at mga dating Cebu champions na sina Dennis Orcullo at Antonio Gabica.
Kukumpletuhin nina dating Asian tour winners Lee Van Corteza at Warren Kiamco ang seven-man field.
Ang torneo na susundin ang naiibang round-robin type format, kung saan ang bawat player ay haharapin ang ibang kalahok sa one-on-one matches.
Ang unang player na iiskor ng anim na panalo ang idedeklarang kampeon at magbubulsa ng cash prize at tropeo.
Ang international event na ito ayu magsisilbing preview sa bagong billiards TV show na gumagamit ng naiibang format at tatampukan ng walong pangunahing players sa mundo. Ang dalawang oras na palabas ay pinamagatang "Cue Masters" na magsisimulang isa-ere sa Hulyo sa IBC-13. Ito ang production ng Rocketman Enterprises at suportado ng Outlast Battery, Cafe Puro and Touch Mobile.
Samantala, sa 4th Sun Star Superbalita 9-Ball Challenge proper, umabante si Warren Kiamco sa susunod na round makaraang makaligtas sa mahigpit na 7-6 panalo laban kay Violito Catingan.
Sa iba pang laban tinalo ni Tata Villarasa ang 20-year-old Oliver Yap, 7-2; ginapi ni Lito Diga si Achilles Navarra, 7-5; pinayuko ni Ricky Zerna si Bernard Marabella 7-5; at pinaglaruan ni Panfilo Damu-ag si Vincent Lopez, 7-0.