^

PSN Palaro

Immonen, sali din sa Cebu 9- Ball Challenge

-
CEBU CITY – Pangungunahan ni dating world champion Mika Immonen ang elist cast ng pitong world-class cue masters sa Sun Star Super Balita International 9-Ball Challenge, bahagi ng dual event dito, na magsisimula sa Huwebes sa SM City Trade Hall.

Makakasama ni Immonen sina dating European cham-pion Marcus Chamat ng Denmark at limang Pinoy na pangunguna ni San Miguel Asian tour Manila leg champion Ronnie Alcano, at mga dating Cebu champions na sina Dennis Orcullo at Antonio Gabica.

Kukumpletuhin nina dating Asian tour winners Lee Van Corteza at Warren Kiamco ang seven-man field.

Ang torneo na susundin ang naiibang round-robin type format, kung saan ang bawat player ay haharapin ang ibang kalahok sa one-on-one matches.

Ang unang player na iiskor ng anim na panalo ang idedeklarang kampeon at magbubulsa ng cash prize at tropeo.

Ang international event na ito ayu magsisilbing preview sa bagong billiards TV show na gumagamit ng naiibang format at tatampukan ng walong pangunahing players sa mundo. Ang dalawang oras na palabas ay pinamagatang "Cue Masters" na magsisimulang isa-ere sa Hulyo sa IBC-13. Ito ang production ng Rocketman Enterprises at suportado ng Outlast Battery, Cafe Puro and Touch Mobile.

Samantala, sa 4th Sun Star Superbalita 9-Ball Challenge proper, umabante si Warren Kiamco sa susunod na round makaraang makaligtas sa mahigpit na 7-6 panalo laban kay Violito Catingan.

Sa iba pang laban tinalo ni Tata Villarasa ang 20-year-old Oliver Yap, 7-2; ginapi ni Lito Diga si Achilles Navarra, 7-5; pinayuko ni Ricky Zerna si Bernard Marabella 7-5; at pinaglaruan ni Panfilo Damu-ag si Vincent Lopez, 7-0.

ACHILLES NAVARRA

ANTONIO GABICA

BALL CHALLENGE

BERNARD MARABELLA

CAFE PURO AND TOUCH MOBILE

CITY TRADE HALL

CUE MASTERS

DENNIS ORCULLO

LEE VAN CORTEZA

WARREN KIAMCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with