Taulava may go-signal na sa DOJ

Pinayagan na ng Department of Justice (DoJ) na makapaglaro sa Philippine Basketball Association si Talk N Text cager Asi Taulava.

Sa isang pahinang endorsement letter ni Justice Secretary Raul Gonzales kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Alipio Fernandez Jr., sinabi nito na hindi niya kokontrahin ang kahilingan ni Taulava na makapaglaro na muli sa PBA.

Binigyang-diin pa ni Gonzales na kailangan din naman ni Taulava na makapagtrabaho para buhayin ang kanyang asawang Pinay at dala-wang anak. Gayunpaman, ipinaliwanag ni Gonzales na makaka-paglaro lamang si Taulava sa PBA kung mayroon na itong hawak na kaukulang working permit mula naman sa BI.

Nilinaw pa rin ng Kalihim na ang pagpayag ng DoJ na makapaglaro si Taulava ay hindi rin nangangahulugan na kinikilala na ito bilang Pinoy.

"We accept Mr. Taulava’s right to a means to life, and this Office will not impose objections and allow him to play under a work permit but not a recognition that he is a citizen of the Republic of the Philippines," ani pa ni Gonzales.

Dahil na rin sa desisyon ng DoJ binigyan na rin ni Games and Amusement Board chairman Eric Buhain ng lisensiya ang Fil-Tongan player.

Una ng paglabas ng desisyon ang Court of Appeals (CA) na kuma-katig sa injunction order na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Romulo Lopez, kung saan hindi rin pinayagan ang deportation order ng DoJ kay Taulava.

Kamakailan lamang hiniling ni Gonzales sa Office of the Solicitor General (OSG) na iapela ang desisyon sa CA at hilingin na baligtarin ito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

Show comments