Ang event ay nagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo bilang pinaka-prestihiyosong billiards tournament sa South-ern Philippines na nag-aan-yaya sa pinakamahuhusay sa buong bansa na subukan ang galing ng mga pinakamama-galing sa rehiyon.
Sina Gabica at Orcullo ang 2002 at 2003 champions habang runner-up naman si Corteza noong nakaraang taon sa nagkampeon na si Elmer Haya na nasa United Arab Emirates na ngayon.
Si Alcano, ang bagong golden boy ng Philippine billiards, ay nagwagi naman sa Manila leg ng katatapos na 2005 San Miguel Asian 9-Ball Tour kamakailan.
Ang main draw ay kinabibi-langan ng mga Cebuano na sina Warren Kiamco at Leonardo Andam, SEA Games gold medalist Victor Arpilleda at mga promising na kabataan na sina Richard Golden Boy Aguilar, Jharome Peña at Jeff Bata de Luna.
Sina Aguilar, Peña at de Luna ay pawang mga regular campaigners sa TM Philippine 9-Ball Champions League at isa sa mga sinasabing super-stars sa hinaharap.
Sila ay makikipaglaban sa 12 slots upang makasama ang apat na seeded players sa Round of 16 sa June 21.
Ang semifinals ay sa June 22 at ang finals ay sa June 23.