Umaatikabong aksiyon sa semis-di-dribol sa Big Dome
June 19, 2005 | 12:00am
Mahaba ang naging biyahe ng Shell Velocity at Red Bull patungo sa semifinal round ng Gran Matador PBA Fiesta Conference.
May natitira pa kayang lakas ang Turbo Chargers at Barakos laban sa Talk N Text at San Miguel sa pagsisimula ngayon ng kanilang best-of-five semi-final series.
Sa alas-4:15 ng hapon magsasagupa ang Talk N Text at Shell habang sa ikalawang laro naman maghaharap ang San Miguel at Red Bull sa Ara-neta Coliseum.
Dahil sa nakuhang awtomatikong semis slot bilang top-two teams sa eliminations, hindi na dumaan pa sa wild card phase at quarterfinals ang Phone Pals at ang Beermen na nagkaroon ng mahabang pabahon para makapagpahinga at makapaghanda para sa Final Four.
Kinailangan namang lusutan ng Red Bull at Shell ang dalawang kopo-nan sa wild card phase at quarterfinals para makarating sa yugtong ito at magkaroon ng tsansa sa titulo.
Maaring pumabor sa Barakos at Turbo Chargers ang kanilang hirap na pinagdaanan na nagbigay sa kanila ng mataas na morale na harapin ang mga kalaban.
Posible namang ma-kasama sa Talk N Text at San Miguel ang maha-bang pagkakatengga na magiging dahilan ng kanilang pangangalawang.
Pinaka-underdog ang Shell sa semis round na ito dahil nagtapos sila bilang No. 9 team sa eliminations kaya kinailangan nila ng dalawang panalo laban sa No. 4 na Sta. Lucia na nabiyayaan ng twice-to-beat advantage sa wild card phase.
Pagkatapos nito, hinarap naman nila ang Purefoods sa best-of-three quarterfinals na kanilang na-sweep sa 2-0 panalo-talo upang makuha ang karapatang hamunin ang No. 1 team na Talk N Text.
Tinanggalan naman ng Barakos, No. 6 team sa eliminations, ng titulo ang Barangay Ginebra sa wild card nang kanilang ma-sweep ang best-of-three serye sa 2-0 at nangailangan ng tatlong laro bago dispatsahin ang No. 3 team na Alaska sa best-of-three quarterfinals, 2-1 sa kabayanihan ni Bryan Gahol na umiskor ng game-winning triple sa huling 3.3 segun-do ng Game-Three tungo sa kanilang 87-86 tagumpay kamakalawa.
Mahalagang role ang gagampanan ng mga imports sa seryeng ito kung saan magkakatapat sina import Earl Barron ng Red Bull at Chris Burgess ng San Miguel at magkakasubukan naman sina Shell import Ajani Williams at Jerald Honneycutt ng Phone Pals. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest