Mawawala na nga ba ang PBA?
June 14, 2005 | 12:00am
Hindi ko alam kung ano ang pakay ng BAP sa pag-eelect kay dating DILG secretary Joey Lina bilang pangulo ng basketball association na ito. At hindi ko rin maintindihan ang kanilang ginawa sa kabila ng suspensiyon na ipinataw ng POC sa mismong asosasyon. Di ba dapat mas naunang nakipag-diyalog muna ang ilang opisyal nito sa POC para mapag-usapan ang magandang kinabukasan ng asosasyon at kung papaano maisasalba ito ng maayos at tahimik ang lahat?
Parang gusto yata talaga nila ng giyera.
Siyempre alam nila na malakas sa administrasyon si Lina kaya ito ang kanilang iniluklok. Gagamitin nila ito.
Magpapagamit naman kaya si Lina?
O well, gulung-gulo na nga ang ating bansa pati sa sports magulo pa rin.
Haaaay, wala talagang pagbabago!!!
Nakakatuwang isipin na marami sa mga anak ng ating atleta ay sa ibang sports nalilinya. Tulad ng magandang anak ng Sprint queen na si Lydia de Vega-Mercado na si Stephanie. Hindi track and field ang kanyang gusto kundi ang volleyball. Siya ay member ng St. Brigitte School at member ng national junior volleyball team.
Ang anak ng basketball superstar na si Allan Caidic na si Marice ay volleyball player din habang ang kanyang bunso naman ay tila soccer naman ang hilig. Sina Angelo at Christine Patrimonio, mga anak ni Alvin Patrimonio ay nasa tennis naman.
So far, ilan lamang ito sa mga na-meet kong anak ng mga atleta na naiiba ang linya kaysa sa kanilang mga magulang.
Marami-rami pa rin naman na kung ano ang nakagisnan o nakamulatan na sports ng kanilang magulang ay yun pa rin ang nakakahiligan.
How true naman kaya itong nabalitaan ko na hindi na masaya ang ambiance sa loob ng PBA office? Ayon sa aking source marami sa mga empleyado doon ay nalulungkot dahil mukhang magkatotoong tuluyan na silang mawawalan ng trabaho. Ang dami kasing negatibong balita ang naglalabasan sa PBA tulad ng pag-alis ng ilang PBA teams.
Sabi ko nga sa isang kaibigan ko, maisasalba pa naman ang PBA eh, "yan ay kung tatanggalin ang mga dapat tanggalin.
Yun lang!
Personal: Happy birthday sa aking kumpareng Allan Caidic sa June 15 at belated happy birthday sa friend ko na si Mayeth Delgado noong June 12.
Parang gusto yata talaga nila ng giyera.
Siyempre alam nila na malakas sa administrasyon si Lina kaya ito ang kanilang iniluklok. Gagamitin nila ito.
Magpapagamit naman kaya si Lina?
O well, gulung-gulo na nga ang ating bansa pati sa sports magulo pa rin.
Haaaay, wala talagang pagbabago!!!
Ang anak ng basketball superstar na si Allan Caidic na si Marice ay volleyball player din habang ang kanyang bunso naman ay tila soccer naman ang hilig. Sina Angelo at Christine Patrimonio, mga anak ni Alvin Patrimonio ay nasa tennis naman.
So far, ilan lamang ito sa mga na-meet kong anak ng mga atleta na naiiba ang linya kaysa sa kanilang mga magulang.
Marami-rami pa rin naman na kung ano ang nakagisnan o nakamulatan na sports ng kanilang magulang ay yun pa rin ang nakakahiligan.
Sabi ko nga sa isang kaibigan ko, maisasalba pa naman ang PBA eh, "yan ay kung tatanggalin ang mga dapat tanggalin.
Yun lang!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended