2005 PBL Unity Cup: Welcoat muling hahakbang patungo sa titulo
June 11, 2005 | 12:00am
Nakaisang hakbang na ang Welcoat Paints sa kanilang hangaring ma-balikan ang kanilang lumubog na dinastiya at sisikapin nilang maka-usad ng isa pa ngayon sa pagsargo ng Game Two ng 2005 PBL Unity Cup sa Cuneta Astrodome.
Krusyal na panalo na maglalapit sa Paint Masters ang kanilang layunin sa muling pakikipagharap sa Montaña Jewels sa kanilang alas-3:30 ng hapong sagu-paan.
Ngunit bago ito, gaga-napin ang Achievement awards na sisimulan sa alas-2:00 ng hapon kung saan ihahayag kung sino kina Arwind Santos ng Magnolia, RJ Quiñahan ng Granny Goose, Mark Cardona ng Harbour Centre, Anthony Wa-shington ng Welcoat at Jondan Salvador ng Montaña ang tatanghaling Most Valuable player ng kumperensiya.
Ang tagumpay ng Welcoat ngayon ay maglalapit sa kanila sa korona makaraang kunin ang 1-0 bentahe sa best-of-five serye sa pamamagitan ng 82-80 panalo sa Game-One kamakalawa.
"Game 2 is very important for us so we have to play with lots of intensity to beat them," ani Caloy Garcia na naghahangad ng kanyang kauna-unahang titulo matapos ang tatlong finals appear-ances upang dagdagan ang anim na titulong ibinulsa sa kasagsagan ng kanilang dinastiya noong dekada 90. "Kailangan mas aggressive kami sa kanila."
Malaking tinik sa lalamunan ng Welcoat si Alex Compton na siyang haligi ng Montaña at kailangang pigilan ito ng Paint Masters sa kanilang hangaring makaganti sa kanilang nalasap na kabiguan sa PBL Open Championship noong Pebrero.
"I will also do some adjustments," ani Garcia. "Im sure hes going to bounce back, he rebounded well but his offense and defense was not that good." (Ulat ni CVochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest