"May isang tao na nag-sabi sa akin na chairman na daw ako ng PSC. Hindi ako naniwala kasi marami na ring nagsabi sa akin niyan eh," ani Ramirez kahapon sa kan-yang pagdating sa Maynila. "Pero nang tumawag yung secretary ko na totoo nga yung balita, I pondered, I sit down and I cried. Talagang masayang-masaya ako sa nangyari."
Halos limang buwan na nagsilbi ang 55-anyos na tubong Davao City bilang Officer-in-Charge (OIC) ng PSC bago itinalaga ni Pangulong Gloria Macapa-gal-Arroyo bilang PSC chief.
Ayon kay Ramirez, resul-ta ito ng kanyang mga pagsi-sikap at pasakit na ginawa.
"This is a triumph of per-formance, integrity and character. But the pressure is tremendous. I was put by the President here and I will do my job," sabi ni Ramirez, humalili kay Eric Buhain, kasalukuyang chairman ng Games and Amusement Board (GAB), bilang chair-man ng komisyon.
Sinabi ni Ramirez na itutuloy pa rin niya ang five-point program ng Pangulo na iniatang sa kanya patungo sa inaasam na kauna-unahang gintong medalya sa Olympic Games sa Beijing, China sa 2008.
Maliban sa paghahanda sa 2008 Beijing Games, idinadalangin rin ni Ramirez ang pagkuha ng mga Filipino athletes sa overall champion-ship ng pamamahalaang 23rd SEA Games sa Nob-yembre.
Kasabay ng pag-upo ni Ramirez bilang PSC head, ibinalik naman ng Malaca-ñang si Richie Garcia bilang Commissioner. (Ulat ni RCadayona)