^

PSN Palaro

NBA madness lalong lumalaki

GAME NA! - Bill Velasco -
Hindi na paawat ang NBA sa pagpapalaganap ng kanilang impluwensya dito sa Pilipinas. Patuloy nilang pinalalaki ang kanilang NBA Madness, na umabot na sa kanyang kasukdulan ngayong araw.

"This is the biggest event we’ve ever done internationally," bungad ni Phil Hayes Brown, na siyang bagong namumuno ng NBA sa Asya. "This is the first time we’re having a concert internationally, and the response has been tremendous."

Napakarami ng mga batang sumali sa mga patimpalak ng NBA sa NBA Madness sa taong ito. Mula sa tatluhan, Mad Skilz at lahat ng puwedeng salihan, nagdagsaan ang mga kabataan sa Araneta. Kagabi ginanap ang "NBA Music and Madness" concert, na tinampukan ng mga kilalang banda tulad ng Bamboo at Dice and K9. Isang malaking tagumpay, lalo na kung iisipin na hiwalay pang tumugtog ang mga sikat na mang-aawit tulad ni Kitchie Nadal noong Biyernes.

Isa sa mga ikinatutuwa ng mga bumibisitang tanyag na tao mula sa NBA ay ang init ng pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan. Marami ang nagugulat dahil hindi nila akalain na ganoon kalakas ang basketbol dito sa ating bansa.

"From the moment we stepped off the plane until now, we’ve felt right at home," salaysay ng isang miyembro ng Houston Rockets Power Dancers. "The weather is like Houston, and the people are very warm, as well."

Hindi lamang iyan. May balak pa ang NBA na magpatimpalak para sa mga kabataan, na tinawag nilang Junior NBA. Ang mga magiging kampeon dito ay lalaban sa ibang bansa, at inaasahang balang araw ay maaaring daigin pa ang kanilang mga katulad sa Amerika.

"As an Aussie, I’d like to see players from other countries beat the Americans," biro ni Hayes Brown.

Pumatok din ang pagdalaw at pagbibigay ng clinic ni Dwight Howard ng Orlando Magic, ang top draft pick ng nakaraang taon, at Luke Walton.

"This is something that I like to do," paliwanag ni Howard, na ngayon lamang nakabisita sa ating bansa. "I enjoy meeting people, and my family really helped me deal with all the things I needed to do when I entered the NBA."

Magandang halimbawa si Howard sa mga kabataang biglang nabigyan ng malaking responsibilidad. Naipakita niya na siya ay mabait, maka-Diyos, at marunong makibagay. Isa pa iyang dahilan kung bakit patuloy na minamahal ng mga Pilipino ang NBA.

DWIGHT HOWARD

HAYES BROWN

HOUSTON ROCKETS POWER DANCERS

HOWARD

ISA

KITCHIE NADAL

LUKE WALTON

NBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with