^

PSN Palaro

Montaña lusot sa Finals; Welcoat bigo

-
Kung nagtagumpay ang Montaña Pawnshop, sawimpalad naman ang Welcoat Paints na maku-ha ang ikalawang finals berth.

Pinayukod ng nagde-depensang Magnolia-FEU Wizards ang Paint Masters, 80-72, sa Game 3 ng kanilang best-of-five semifinals series para ayusin ang kanilang do-or-die‚ match sa 2005 PBL Unity Cup kahapon sa Pasig Sports Center.

Nakakuha ang Magnolia-FEU ng 15 puntos at 8 boards kay Neil Raneses para itabla sa 2-2 ang kanilang serye ng Welcoat, nagbitbit ng 1-0 lead bago pa man ang Game 1 bilang insentibo katulad ng Montaña.

Ang mananaig sa pagitan ng Wizards at Paint Masters sa Game 4 sa Martes ang siyang makakaharap ng Jewels sa best-of-five champion-ship series sa Huwebes.

Sa naunang laro, dumiretso naman sa kanilang ikalawang sunod na finals stint ang Montaña nang takasan ang Granny Goose Kornets, 56-54, makaraang isablay ni Chico Lanete ang dalawang freethrows nang wala ng oras para sa posibleng overtime period.

Winakasan ng Jewels ang kanilang serye ng Snackmasters sa 3-1.

Isang 3-point play ng 6-foot-7 na si Williams kay Welcoat forward Allan Gamboa ang naglatag sa malaking 57-37 bentahe ng Magnolia-FEU sa huling 2:2 ng third period matapos isara ang second quarter tangan ang 36-27 lamang. (Ulat ni RCadayona)

ALLAN GAMBOA

CHICO LANETE

GRANNY GOOSE KORNETS

MONTA

NEIL RANESES

PAINT MASTERS

PASIG SPORTS CENTER

UNITY CUP

WELCOAT

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with