Granny Goose ang pinalad
May 29, 2005 | 12:00am
Hindi na inalisan ng kamalasan ang Harbour Centre.
Sa kabila ng bitbit na twice-to-beat advantage, hindi pa rin ito nagamit ng Port Masters makaraang igupo sila ng Granny Goose Snackmasters, 75-60 sa kanilang sudden-death match sa 2005 PBL Unity Cup kahapon sa Blue Eagle Gym sa Ateneo.
Ang nasabing panalo ang naghanay sa Granny Goose kontra sa Montaña Pawnshop sa isang best-of-five semifinals series, habang magtatagpo naman ang Welcoat Paints at nagdedepensang kampeong Magnolia-FEU sa isa pang aksiyon.
Parehong magdadala ng 1-0 bentahe sa serye ang Jewels at Paintmasters laban sa Snackmasters at Wizards, ayon sa pagkakasunod.,
Kinuha ng Granny Goose ang first half mula sa 37-28 lamang bago nakabangon ang Harbour, nakahugot lamang kay Mac-mac Cardona ng tatlo sa kanyang 16 puntos sa final canto, upang angkinin ang 56-52 abante sa 8:31 sa fourth period. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended