^

PSN Palaro

Magnolia umusad sa semis

-
Wala sa porma si Arwind Santos habang nangapa naman ang Fil-Am na si Kenny Williams. Pero walang problema.

Sumakay ang defending champion Magnolia Dairy Ice-Cream sa kabayanihan ni Neil Raneses at patatagin ng Wizards ang kanilang dominasyon kontra sa Toyota Otis-Letran, 66-52, at angkinin ang semis berth sa 2005 PBL Unity Cup sa JCSGO gym sa Cubao.

Dahil wala sa porma si Santos, inako ni Raneses ang opensa ng koponan nang umiskor ito ng career-high 20 points kabilag na ang pito sa final quarter na tumulong sa Wizards na ang mahigt na labanan ay maging pananalasa laban sa Knights at itakda ang kanilang best-of-three semis sa top qualifier Montaña Pawnshop simula sa Martes sa susunod na linggo.

Sa naunang laro, pinigil ang Granny Goose Kornets sa tatlong freethrows lamang sa final four minutes ngunit nakawala pa rin ito tungo sa 78-76 panalo kontra sa Harbour Centre at mapuwersa ang rubber match sa kanilang quarterfinal series.

Isang defensive stop ni Abby Santos kay Mac-Mac Cardona sa huling 4.4 segundo ang naglusot sa dehadong Snackmasters.

Humugot si Santos ng 12 puntos at 5 rebounds upang dalhin ang Granny Goose sa sudden-death kontra sa Port Masters na may twice-to-beat advantage bilang No. 3 team sa quarterfinal. (Ulat ni R. Cadayona)

ABBY SANTOS

ARWIND SANTOS

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE KORNETS

HARBOUR CENTRE

KENNY WILLIAMS

MAC-MAC CARDONA

MAGNOLIA DAIRY ICE-CREAM

NEIL RANESES

PORT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with