^

PSN Palaro

Pagbabalik sa Shanghai

GAME NA! - Bill Velasco -
SHANGHAI, China - Pangalawang pagdalaw ng inyong lingkod sa kumikinang na bayang ito. May halong inggit at pamamangha ang aking nararamdaman, dahil sa loob lamang ng sampung taon, di hamak na mas malayo ang narating nito kaysa sa alinmang bayan sa Asya.

Dito ginanap ang NBA China Games noong Oktubre. Isang taon ang ginugol sa pagplano ng napakalaking kagana-pang iyon. Ngayon, kilala na sa mapa ng sports ang Shanghai.

Ngayon, dito ginaganap ang adidas Superstar Camp, isang linggong pagtitipon at pagsasanay ng magagaling na high school player sa Asya. Kabilang sa mga panauhin sina Kareem Abdul-Jabbar, NBA Slam Dunk champion Josh Smith at Desmond Mason. Ang Superstar Camp ay sinimulan ni Detlef Schrempf sa Europe, at dati’y kilala sa bansag na Adidas Basketball Camp and Development o ABCD.

Kabilang sa mga itinuturo ay ang Basketball English. Napa-kahalaga kasi na matutunan ng mga taga-Asya ang pama-maraan ng pagpapaliwanag ng basketbol na maiintindihan nila. Ito’y gawa ng chairman ng linguistics department ng isang unibersidad sa Amerika.

Dinagdag din ngayon ang Basketball Psychology, kung saan itinuturo ang mga ugali ng isang basketbolista sa kultura ng Asya.

Sa mga susunod na araw, abangan ang aming mga panayam at ulat mula rito.

ADIDAS BASKETBALL CAMP AND DEVELOPMENT

ANG SUPERSTAR CAMP

ASYA

BASKETBALL ENGLISH

BASKETBALL PSYCHOLOGY

CHINA GAMES

DESMOND MASON

DETLEF SCHREMPF

JOSH SMITH

KABILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with