Alas-2 ng hapon ang pagtitipon ng mga pinuno ng mga National Sports Associations para pagbotohan ang rekomendasyon ni Cojuangco na sususpindihin ang BAP noong nakaraang linggo.
Dalawamput anim na boto ang kailangan para tuluyang suspindihin ang BAP na ayaw igalang ang napagkasunduan ng POC, at ilang cage body noong Abril 19 na ipaubaya sa Philippine Basketball Association ang pagbuo ng National team para sa ibat ibang international competitions kabilang na ang nalalapit na SEABA sa susunod na buwan.
Ipinagpilitan ng BAP ang kanilang posisyong manatili si coach Boyzie Zamar at ang kanilang binuong national training pool na siyang kakatawan sa bansa sa SEABA. (Ulat ni CVOchoa)