Aktor at Direktor wagi sa Invitational Endurocross
May 20, 2005 | 12:00am
Muling pinatunayan ng actor na si Jordan Herrera at TV director Bobet Vidanes ng Shell-Yamaha na ang kanilang pamamayani ay hindi tsamba sa ikalawang yugto ng 3rd Invitational Endurocross ka-makailan sa Bgy. Pinugay Baras Rizal sa loob ng Sta. Lucia Palo Alto racetrack.
Naglabas sina Herrera, actor at dating miyembro ng pop group Power 4 at si Vidanes na siya namang director ng noontime show na Game Ka Na Ba? at Wowowee na kapwa nasa ABS-CBN, ng mahusay na performance sa Beginner Open Production, na kanilang dinomina sa pamamagitan ng 30-lap performance.
Kanilang nalampasan ang mga hamon nina Arnel Lacnit at Jonjon Antonio upang umagaw ng eksena sa kakaibang, apat na oras, na walang tigil na endurocross na inorganisa ng KP5 sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Nani Pazcoguin.
Pumangalawa si Adrian Alberto at tumersera naman si Ecoz Benio na gumawa ng 29 laps, habang ang 4th placers na sumagasa ng tig-27 laps ay sina Kristoper Peralta at Carlo Garcia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended