^

PSN Palaro

Lady Pirates sinakmal ng Tigress

-
Sa tindi ng pagnanais ng University of Santo Tomas, na maibangon ang koponan mula sa opening day na kabiguan sa San Sebastian College, pinabagsak ng Tigress ang Lyceum 25-16, 25-19, 25-17, upang muling tahakin ang magandang daan ng Shakey’s V-League.

Nagtulong sina Mary Jean Balse at Venus Bernal sa pinagsamang 25 puntos ng UST, 18 nito ay mula sa kills bagamat umeksena ang tambalang Joyce Pano at Joan Botor-Carpio para sa pasiklab ng Tigress na humiya sa Lady Pirates sa sariling balwarte sa event na hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang nagbabalik na si Pano, miyembro ng España-based squad nang una silang mag-kampeon sa torneo na naglalayong maibalik ang women’s volleyball sa bansa at hindi nakapaglaro sa second conferece dahil sa graduation, ay nagpakawala ng 10 hits na karamihan ay mula sa first set na nagtakda ng tono para sa isang oras na tagumpay ng UST.

Malaking kawalan sa Lyceum ang pagkawala ni Angelica Bigcas, ang kanilang pangunahing hitter na na-injured ang kanang balikat.

Sa ikalawang laro, naitala ng La Salle ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Far Eastern University, 25-21, 25-20, 25-20, at makisos-yo sa liderato sa San Se-bastian na may magkatu-lad na 2-0 win-loss card.

Bagamat tinangkang punan nina Dahlia at Charissa Fe Genido ang puwesto ni Bigcas, sa kanilang pagkamada ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod, hindi naging sapat iyon sa agresibong laro ng Tigress sa tornoeng ito na suportado din ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.

ANGELICA BIGCAS

CHARISSA FE GENIDO

FAR EASTERN UNIVERSITY

JEMAH TELEVISION

JOAN BOTOR-CARPIO

JOYCE PANO

LA SALLE

LADY PIRATES

MARY JEAN BALSE

SAN SE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with