^

PSN Palaro

Mga baguhan nagparamdam

-
ANGELES City — Nag-paramdam ang mga first-timers ng beach volley circuit sa pagbubukas ng ikalawang leg ng 2005 Petron Ladies Beach Volleyball Tournament matapos ang impresi-bong panalo laban sa mga beterano sa Clearwater Country Club dito kahapon.

Sinimulan nina dating Far Eastern U standout Monica Aleta at ex-Uni-versity of Sto. Tomas volleyball team mainstay Joan Carpio, na kapwa ngayon pa lamang sa-sabak sa Pet-ron series, sa pamamagitan ng 21-5 pana-nalasa kina Jennifer Halos at Henelyn Perez.

Sinun-dan na-man ito ng pa-nalo ng mga rookie pair na sina Erika Tiamzon ng Ateneo de Davao at Rolyn Marquicias ng Foundation U mula sa Dumaguete ng 21-6 pagdurog kina Genevieve at Jennifer Lanuevo.

Naghihintay ang P10,000 top purse sa mga winners ng second leg, bukod pa sa automatic berth sa national finals sa December, kung saan maglalaban-laban ang mga champions ng apat na series para sa titulo ng volleyball queens.

Nanalo rin ang duo nina Joyce Ann Realeza at Mari Maicah Mariano sa rookie tandem nina Ingrid Berayo at Rhea Dimayuga, 21-12.

CLEARWATER COUNTRY CLUB

ERIKA TIAMZON

FAR EASTERN U

FOUNDATION U

HENELYN PEREZ

INGRID BERAYO

JENNIFER HALOS

JENNIFER LANUEVO

JOAN CARPIO

JOYCE ANN REALEZA

MARI MAICAH MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with