^

PSN Palaro

Arabejo lumangoy ng bagong record

-
Iloilo City – Katulad ng gusto niyang mangyari, muling sumira ng rekord sa swimming event si National Capital Region (NCR) pride Ryan Arabejo.

Ibinilang niya ang secondary boys’ 200-meter freestyle sa kan-yang naunang dalawang binasag na marka upang gumawa ng ‘malaking alon’ sa 2005 Palarong Pambansa kahapon dito sa Iloilo Sports Complex.

Naglista ang 16-anyos na produkto ng Manila Youth Games ng tiyem-pong 1:59.92 sa secon-dary boys’ 200m freestyle para burahin ang 1998 record na 2:01.64 ni Miguel Mendoza ng NCR.

Ang unang dalawang rekord na binasag ng 5-foot-8 na si Arabejo ay ang 4:11.79 at 2:14.16 ni Carlo Piccio sa secondary boys’ 400m freestyle at 200m backstroke, ayon sa pagkakasunod, para sa bago niyang markang 4:08.36 at 2:12.61.

Ang iba pang nanalo sa kani-kanilang events sa huling araw ng swim-ming event kahapon ay sina Jasmine Al-Khalid ng NCR sa elementary girls’ 50m freestyle (29.63), Wilfredo Sunglao, Jr. ng Bicol sa elementary boys’ 50m freestyle (28.08), Banjo Borja ng CALA-BARZON sa elementary boys’ 200m Individual Medley (2:27.50) at Krestia Angela Lacson ng Western Visayas sa secondary girls’ 200m freestyle (2:18.58).

Sa overall points na magdedetermina sa magiging overall champion, nasa No. 2 ang NCR sa elementary class sa kanilang 115 points sa ilalim ng 123 ng CALA-BARZON, habang No. 1 naman ang mga Big City athletes sa secondary category sa bitbit na 136.5 points kasunod ang Western Visayas na may 132.5 points.

Hindi lamang si Ara-bejo ang naglista ng bagong rekord, kundi maging ang isang 13-anyos na batang Gagalangin, Tondo sa athletics.

Ibinasura ng incoming freshman ng St. Stephen High School na si Precious Que ng NCR ang 1997 mark na 1.48-meter ni Maricar Maranan ng Southern Tagalog para sa bago niyang 1.53m sa elementary girls. Bukod kay Que, ang iba pang nagtakbo ng ginto ay ang mga pambato ng Western Visayas na sina Jenny May Lago sa elementary girls‚ 200m run (28.3), Jean Palencia sa secon-dary girls‚ 3,000m run (10:53.57), Razel Delideli sa secondary girls‚ 20m run (26.47) at Emmanuel de Ocampo sa secondary boys‚ 200m run (22.7).

Sa volleyball, kinuha ng NCR at Western Visayas ang ginto sa secondary girls‚ at boys‚ volleyball event, ayon sa pagkakasunod, habang anim ang inangkin ng NCR sa gymnastics sa Leganes Covered Gym, kasama ang dalawa ni Natasha Mendoza sa elementary girls’ individual at individual all-around event.

Dalawang ginto naman ang isinulong ng NCR sa chess sa La Paz Plaza sa elementary boys’ at girls’ class at tig-isa ang nahugot ng Davao at Central Visa-yas sa secondary boys’ at girls’ category. (Ulat ni Russell Cadayona)

BANJO BORJA

BIG CITY

BOYS

CARLO PICCIO

CENTRAL VISA

ELEMENTARY

GIRLS

NCR

SECONDARY

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with