Katatagan ng kampanya asam ng Port Masters
May 14, 2005 | 12:00am
Palalakasin ng Harbour Centre ang kanilang kapit para sa isa sa dalawang outright semis berths sa pakikipagharap nila sa inaalat na Negros Navigation San-Beda ngayon sa pagpapatuloy ng 2005 PBL Unity Cup sa JCSGO Gym sa Cu-bao.
Dahil sa tatlong sunod na panalo, kasama ang 89-67 pananaig kontra sa Toyota Otis-Letran noong Huwebes, nais ng Port Masters na muli silang magwagi sa laban nila sa Red Lions ngayong alas- 2 ng hapon, tulad noong una silang magkita na nagbigay ng 79-63 na panalo para sa Harbour Centre.
Wala pang naitatalang panalo ang Nenaco, na naghahanda para sa NCAA na napipintong magbukas sa susunod na buwan.
Sa ikalawang laro sa ganap na alas-4 ng hapon, magsasagupa na-man ang Toyota Otis Letran at Bacchus Energy Drink.
Matatandaang nagwagi ang Knights sa Energy Drink nang huli silang magharap at kahit na bitbit ang 5-3 na win-loss cards, kailangan ng Knights ang panalo laban sa Bacchus at gayundin ang nakatakdang laban nila sa defending champion na Magnolia Dairy Ice Cream sa May 21, para makapasok sa twice-to-beat advantage sa quarterfinal round.
Sa sitwasyon ng Knights, malabo na nilang mapasakamay ang isa sa dalawang awtomatikong berths para sa semis, ka-hit manalo pa sila sa dalawang huling laban.
Kung magpupunyagi ang Harbour ngayon at matatalo ang Montaña sa Welcoat Paints sa Martes, kapwa sila makakasiguro ng awtomatikong semis slots. (Ulat ni RReyes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended