Balik unahan ang TnT
May 14, 2005 | 12:00am
Ang dating suwerteng Shell sa Friday the 13th ay dinapuan ng malas at ang dating malas na Talk N Text ay inulan naman ng suwerte sa mapamahiing araw kahapon.
Sa likod ng pagkawala ng suspendidong key player na si Jimmy Ala-pag, dinomina ng Phone Pals ang kanilang laro kontra sa Turbo Chargers tungo sa kanilang 13-puntos na panalo, 84-71 kahapon sa pag-usad ng Gran Matador PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Sinamantala ng Phone Pals na apat na beses na natalo sa limang Friday the 13th game, ang pagkawala ng mga suspendidong player ng Turbo Chargers na sina Tony dela Cruz at Chris Jackson upang solohin ang liderato matapos itala ang ika-10 panalo sa 15-laro.
Sa apat na beses na paglalaro ng Shell sa pinaniniwalaang malas na araw, hindi sila natalo maliban kagabi nang kanilang lagukin ang ikasiyam na talo sa loob ng 15-pakikipaglaban.
Hiniya ng Phone Pals ang balik-PBA import na si Ajani Williams sa kanyang debut game sa kumperensiyang ito gayundin ang pagbabalik aksiyon ni Ferreria mula sa pansamantalang suspensiyon nang kanilang iposte ang 32-puntos na kalamangan sa halftime, 57-25.
Samantala, dadako naman ang aksiyon ngayon sa San Pablo City kung saan magsasagupa ang Alaska at FedEx sa Boy Aquino Sports Center sa alas-4:00 ng hapon kung saan hangad ng Aces (8-5) na muling saluhan sa liderato ang Phone Pals.
Sa iba pang balita, binigyan na rin ng clearance ang dalawang manlalaro ng Coca-Cola na sina William Antonio at Manny Ramos matapos maipasa ang kinakailangang dokumento sa PBA.
Dahil dito, sina Alapag, Eric Menk, James Walkvist at Andy Seigle ng Ginebra, Rafi Reavis ng Coke at Shell players dela Cruz at Jackson na lamang ang natitira mula sa 20 Fil-foreign players ang hindi pa rin makakalaro hanggang hindi nakakapagpasa ng requirements ng liga para sa pag-a-update ng records. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended